Advertisers
Pinarangalan ng Museum Boijmans Van Beuningen ang yumaong Dutch artist na si Wim T.
Schippers sa pamamagitan ng pagkalat ng mahigit 800 pounds ng peanut butter sa sahig ng museo.
Mahigit 360 kg o 800 pounds ng peanut butter sapat upang makagawa ng humigit-kumulang na 15,000 peanut butter sandwich ang ikinalat sa sahig ng isang museo sa Netherlands bilang pag-alala at pagpupugay sa Dutch artist na si Wim T. Schippers, na pumanaw noong nakaraang buwan sa edad na 83.
Kilala si Schippers bilang isang natatanging alagad ng sining at kultura sa Netherlands, kung saan gumagawa siya ng mga provocative television show, sumulat ng tula, lumikha ng musika, at minsang naging direktor ng isang dula na German shepherd ang nagsiganap.
Si Schippers ang unang lumikha ng tinatawag na “Pindakaasvloer” o Peanut Butter Floor noong 1969 na muling ginawa rin ng museo sa lungsod ng Rotterdam, Netherlands kung saan bukas ito sa publiko sa loob ng dalawang buwan.
Ayon sa museo, ang paggawa nito ay binubuo ng isang hugis-hexagon na may lawak na 270 kuwadradong talampakan at ang kabuuang dami ng peanut butter na ginamit ay humigit-kumulang 860 karaniwang nasa 16-ounce na garapon ng peanut butter, bukod dito, dalawang empleyado ng museo ang gumamit ng taping knives upang maikalat nang pantay ang mga peanut butter mula sa timba.
Samantala, nagbabala naman ang museo sa mga taong may allergy sa mani na iwasang pumasok sa lugar ng eksibit bilang pag-iingat.(Jomerose Gabute – OJT)