Advertisers
By ARCHIE LIAO
Sa isang interview inamin ni James Reid na malaking dagok sa kanya noon nang ma-scam siya ng kanyang business partner na si Jeffrey Oh.
Nawalan daw kasi siya noon ng humigit- kumulang na P150 milyon.
Katunayan , halos nasimot daw ang ipon niya lalo pa’t ang nawalang halaga ay produkto ng matagal niyang pagtratrabaho sa showbiz.
Dagdag pa niya, sobra rin daw siyang na-depressed noon at hindi alam kung paano makakabangon.
“I lost ?150 million. That was like the last 10 years of work that I’ve done, probably more. It was almost all of what I’ve saved,” lahad niya.
Saving grace raw niyang maituturing ang nobyang si Issa Pressman na hindi siya iniwan through thick and thin sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.
Ito rin daw ang naging katuwang niya noong panahong may pinagdadaanan siya.
“It was Issa that woke me up to all of it. She’s the one that really had to shake me and be like, ‘Hey, you really need to wake up. This is, I think, really what’s going on,’” pagbabalik-tanaw niya.
Naging malaking leksyon din daw ang kontrobersyal na Wavy Baby Music Festival sa Mandaue, Cebu na pinamahalaan ni Oh at iprinudyus ng kanyang Careless Music noong 2023 na nagkaroon ng maraming isyu.
“It was a nightmare… just problem after problem after problem, and police showing up because it was just not planned properly,” sey niya.
Gayunpaman, sa kabila ng lahat, may buti rin daw na dulot ang kanyang karanasan dahil doon nagsimulang mamukadkad ang relasyon nila ni Issa.
“As horrific as everything that was going on right then, there was also something even more beautiful happening at the same time,”pagbabahagi niya.
Binigyan din niya ng kredito ang partner sa bago niyang direksyon sa buhay at karera na nagsalba sa kanya noong nagigipit siya.
“That love became my compass… I believe that God sent specifically the brightest light in my darkest moments,”bulalas niya.