Advertisers

Advertisers

Bianca Umali magaling gumamit ng balisong!

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Muling pinatunayan ni Bianca Umali na hindi lamang siya mahusay sa pag-arte kundi handa rin siyang sumabak sa mga pisikal na hamon para sa kanyang mga proyekto.

Sa kanyang pinakabagong Instagram post, ibinahagi ng Kapuso Prime Gem ang isang action-packed video kung saan ipinakita niya ang kanyang husay sa paggamit ng tradisyunal na balisong. Kitang-kita sa video ang kanyang mabilis na hand movements, spins, at iba’t ibang stunt na tila isang tunay na action star.

Agad namang umani ng papuri mula sa netizens ang naturang video, na nagpamalas ng dedikasyon ni Bianca sa patuloy na paghasa ng kanyang kakayahan.

Nilinaw rin ng aktres sa caption na ang mga ipinakitang eksena ay bahagi lamang ng isang fictional sequence at isinagawa sa ligtas at kontroladong kapaligiran sa ilalim ng gabay ng mga trained professionals.

Hindi na bago kay Bianca ang pagsasanay sa martial arts. Noong Nobyembre 2025, sumailalim siya sa Laraw Kali Pamuok training sa pangunguna ng Filipino martial arts expert na si Ronnie Royce Base bilang paghahanda sa kanyang mga action scenes.

Sa ipinakitang disiplina at dedikasyon, lalong pinatutunayan ni Bianca na handa siyang mag-level up sa mas matitinding papel. Hindi kataka-takang marami ang mas lalong na-excite na mapanood ang kanyang pagganap bilang “Ella Arcangel,” kung saan inaasahang mas marami pang intense action scenes ang kanyang ihahandog sa mga manonood.