Advertisers

Advertisers

Maui Taylor may inamin tungkol kina Wendell Ramos at Jay Manalo

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Nagbigay-pugay si Maui Taylor sa professionalism ng kanyang mga nakatrabahong aktor sa kanyang mga sexy projects noon. Ibinahagi ng dating Viva Hot Babes member sa programang Your Honor, na hindi siya nakaranas ng paglabag sa boundaries habang ginagawa ang mga maseselang eksena sa kanyang mga pelikula.

Ayon sa aktres, naging maayos at propesyonal ang lahat ng kanyang naging leading men, kabilang sina Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Jay Manalo, at Jordan Herrera. Aniya, mahigpit nilang sinusunod ang instructions ng direktor at nananatili sa napagkasunduang blocking sa bawat eksena.

Bukod dito, espesyal ding kinilala ni Maui si Jay Manalo dahil sa pagiging maalaga at maalalahanin nito sa kanilang intimate scenes. Ikinuwento niyang ipinapaliwanag muna ng beteranong aktor ang bawat galaw bago kunan ang eksena upang maging komportable silang dalawa at maiwasan ang hindi kinakailangang pag-uulit ng take.

Dagdag pa ni Maui, malaking aral ang kanyang natutunan mula kay Jay ang pagbibigay ng buong husay sa bawat eksena upang maging maayos ang resulta at mapanatili ang propesyonalismo sa set.

Para kay Maui, ang respeto, malinaw na komunikasyon, at tiwala sa isa’t isa ang susi sa matagumpay na pagganap sa mga sensitibong eksena.