Advertisers

Advertisers

ICE SEGUERRA MAY NAKAKAANTIG NA MENSAHE PARA SA EAT BULAGA

0 2

Advertisers

By  Camille Guarin

Singer-songwriter na si Ice Seguerra ay nagbahagi ng isang throwback na larawan kasama ang mga Dabarkads ng noontime show na Eat Bulaga sa kanyang social media account bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng programa.

Kasabay ng larawan, ibinahagi rin ni Ice ang isang bukas na liham para sa pamunuan ng Eat Bulaga, kung saan nagpahayag siya ng taos-pusong pasasalamat sa programang naging bahagi ng kanyang karera.

Ani ni Ice, “Dear Eat Bulaga,

“Happy 47th Anniversary sa aking pinagmulan at walang hanggang tahanan.

“Maraming salamat sa tiwala, pag-aalaga, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin at sa aking pamilya, mula noon hanggang ngayon.

“Congratulations!!!

“Love,
Batang Eat Bulaga since ’87, Ice”

Matatandaang nagsimula si Ice Seguerra bilang isa sa mga pinakasikat na child stars ng Eat Bulaga noong dekada ’80. Sa kasalukuyan, isa na siyang direktor ng programa.

Happy 47th Anniversary, Eat Bulaga!