Advertisers

Advertisers

RIGIDON AT PROMOSYON SA BOC, PINAKIKIALAMAN NI GEMMA?

0 3

Advertisers

NATUTUWA tayo sa mga naging accomplishment ng Bureau of Custom (BOC) tulad na lamang ng pagkakasabat nila sa tinatayang P235 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo sa Port of Batangas.

Ayon sa BOC, ang kontrabando ay nagmula pa sa United Arab Emirates at tangkang ipasok sa bansa nang hindi nagbabayad ng tamang buwis at walang kaukulang dokumento.

Nabatid sa BOC na mula Enero 1 hanggang Marso 6 ngayong taon, nakapagtala na ang BOC ng 127 operasyon laban sa smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakasabat ng halos ?2 bilyong halaga ng kontrabando sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Subalit sa kabila ng pagsisikap ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na linisin ang BOC ay may mga pasaway pa rin sa loob ng ahensya tulad ng isang Dep.Comm na umanoy sangkot sa oli smuggling at sugar smuggling na inerereklamo sa BALYADOR.

Ayon sa reklamo may sariling brokerage na pinatatakbo ang naturang opisyal na pinatatakbo ng kanyang asawa at anak. Ito marahil ang malinaw na anay na sumisira sa imahe ng BOC.

Bukod dyan isa pang Dep. Comm ang diumanoy tumatanggap ng isang manok weekly sa loob ng BOC at Isang alyas Gemmar naman ng COS/EO ang diumanoy nakikialam sa promosyon at rigodon sa loob ng BOC.

Mantakin nyo taga labas na naging COO 3?

Ayon sa mga tsismoso at tsismosa sa BOC tila ito na ang nagpapatakbo ngayon sa ahensya. Si alyas Gemmar na rin umano ang taga gawa ng CPO dahil expert ito na may malawak na kaalaman pagdating umano sa rigodon. Tsk.Tsk.Tsk..

Ang ginagawa ng kawawang Dep. Comm at Assistant nito ay gumawa na lamang ng initial kahit itanong pa raw natin sa isang Atty. Boy ng BOC?

Ang tanong, naaamoy kaya ito ni Commissioner Nepomuceno o baka naman may synose si komisyuner?

Ang mga nagaganap na rigodon (balasahan) at promosyon sa loob ng Bureau of Customs (BOC) ay madalas na napapabalitang pinakikialaman ng mga politiko, padrino, o iba pang makapangyarihang grupo.. Ayon sa mga ulat, ang mga pagpapalit ng puwesto ng mga opisyal at district collector ay kadalasang nagiging usap-usapan kung ito ba ay para sa tunay na reporma o dahil sa sistema ng palakasan.

May mga alegasyon na ang pagtatalaga sa mga sensitibong puwesto ay ibinibigay sa mga kakampi o taong malapit sa matataas na opisyal sa halip na ibatay sa kakayahan at integridad.

Ang biglaang paglipat ng mga district collector sa iba’t ibang pantalan ay karaniwang nangyayari kapag may mga isyu ng kontrobersiya.

SINO SI “A.E.” SA LOOB NG BOC?

Samantala mainit na usap-usapan ngayon sa loob ng Bureau of Customs ang umano’y P10 milyong “hatag” na iniuugnay naman sa isang mataas n aopisyal na may bansag na “A.E.”

Kung tsismis lamang ito, panahon nang pabulaanan. Ngunit kung may katotohanan, hindi ito simpleng isyu ng korapsyon—ito ay usapin ng pambansang seguridad at ekonomiya.

Tama ba Muncher?

May mga broker at importer umano na napipilitang magbigay ng malaking halaga na “padulas” para makalusot ang kanilang shipment o kontrabando sa mga pantalan.

Kapag may kargamentong hindi nabubuwisan nang tama dahil sa katiwalian, ang nawawalan ng kita ay gobyerno, ang nagdurusa ay ang taumbayan.

Ang buwis sana na dapat mapunta sa kaban ng bayan ay napupunta sa ilang bulsa ng iilan sindikato at tiwali sa BOC, habang ang dagdag na gastos ay ipinapasa sa presyo ng mga bilihin. Tama ba ako “A.E.”?

Samantala isang alyas Kapitan naman ang kolektor ng BOC official?

Subaybayan!

***
\
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com