Advertisers

Advertisers

10 ‘maleta boys’ laya sa piyansa

0 2

Advertisers

MATAPOS makulong sa reklamong perjury, nakalaya na ang 10 ‘maleta boys’ na nagpapakilalang mga dating badigard ni dating Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co, matapos makapagpiyansa nitong Sabado, Agosto 8.
Ang 10 badigard ay nakitang lumabas ng Las Piñas City Police Station.
Inanunsyo rin ng abogado ng maleta boys na si Levito Baligod ang matagumpay na pagpiyansa sa mga ito, kasabay ng pagpapasalamat sa korte sa pagproseso rito.
“Naka-piyansa at nakalabas na po ang ‘B14’ (Brave 14),” ani Baligod.
Sampu sa maleta boys ang inaresto noong Biyernes nang bigong makapagpiyansa.
Samantala, ang tatlo iba pa ay nakapagpiyansa sa tamang oras dahilan upang hindi hulihin ang mga ito.
Orihinal na 18 ang mga nagpakilalang dating badigard na nagdiin ng iba’t ibang personalidad sa korapsyon sa flood control.
Sila rin ang nagdawit kay Pangulo Ferdinand Marcos, Jr., na isa raw sa mga tumanggap ng cash na kanilang inihatid gamit ang mga maleta.
Kamakailan, apat sa maleta boys ang nagbawi ng kanilang mga testimonya.