Advertisers

Advertisers

Ex-beauty queen at dyowa todas sa banggaan

0 6

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao at isa ang sugatan sa pangayayaring banggaan sa National Highway, Barangay Minante 2, Cauayan City, Linggo ng madaling araw, Agosto 9, 2026.
Kinilala ang mga nasawi na sina Alexis Ann, 25-anyos, kilala bilang dating Ms. Cauayan at nagtatrabaho sa bangko mula sa Barangay District 1; at kasintahan nitong si James, 25-anyos, tsuper ng sasakyan at residente ng siyudad ng Santiago.
Sugatan ang isa pang kasama sa sasakyan na si Brylle Heis, 30-anyos, mula sa San Fermin, Cauayan City na kasalukuyang ginagamot sa isang pagamutan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, may nakaparadang trak na may dalang 200 kaban ng palay sa gilid ng daan nang bigla itong salpukin sa hulihang bahagi ng sasakyang minamaneho ni James habang patungo sa direksiyon ng Bayan ng Alicia.
Dahil dito daglian naman na tinugunan ng Rescue 922 ang mga biktima at dinala sa magkahiwalay na pagamutan.
Subali’t idineklara nang patay si James sa Cauayan Specialist Center at si Alexis Ann naman sa Cauayan District Hospital na siyang pinagdalhan.
Habang si Brylle Heis, patuloy na binabantayan sa United Doctors Medical Center. Kasama rin sa nasangkot ang tsuper ng trak na si Dominador, 41-anyos, mula sa Saguday, Quirino Province.
Habagng patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tunay na dahilan at pananagutin ang totoong may kasalanan sa insedente. (Fidel Coloma)