Advertisers
Marikina — Itinaas sa Ikalawang Alarma ang antas ng Marikina River matapos umabot sa 16.2 metro ang lebel ng tubig noong 1:40 ng hapon ngayong Lunes, Agosto 17.
Ang 16.2 metro ay lumalampas sa normal na hangganan ng ilog — senyales na maaari nang umapaw ang tubig at pumasok sa mga kalapit na lugar. Inaasahan ang paglikas ng mga nakatira malapit sa pampang habang patuloy na binabantayan ang pagtaas dulot ng walang tigil na ulan.
Paalala ng lokal na pamahalaan: manatiling handa, makinig sa mga anunsyo, at lumikas agad kung tumaas pa lalo ang tubig. (Edwin Moreno)