Advertisers

Advertisers

PBBM ipinag-utos malalimang imbestigasyon sa Zamboanga school shooting

0 3

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) na ikinasawi ng apat na katao, habang inatasan din ang mga awtoridad na paigtingin ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan sa mga paaralan.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay si Marcos sa mga pamilya ng mga biktima at sa buong komunidad ng AdZU matapos ang trahedya sa Junior High School campus ng unibersidad.

Sinabi ng Pangulo na ang mga paaralan ay dapat kabilang sa mga pinakaligtas na lugar sa bansa, dahil dito ipinagkakatiwala ang mga batang Pilipino upang matuto, lumago, at tuparin ang kanilang mga pangarap.



Inutusan din ni Marcos ang pamahalaan na makipagtulungan sa mga paara-lan at komunidad upang palakasin ang mga hakbang sa pagprotekta sa mga mag-aaral.

Kinumpirma ng AdZU ang pagkamatay ng apat na katao matapos ang pamamaril sa Junior High School campus nitong Martes ng umaga.



Sinabi ng unibersidad na nananatiling pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral at agad na nakipag-ugnayan sa mga magulang at guardian upang sunduin ang kanilang mga anak.

Nakikipag-ugnayan ang AdZU sa mga awtoridad para sa imbestigasyon at nagtakda ng mga opisyal na daluyan ng komunikasyon para sa mga beripikadong update.



Nanawagan din ang unibersidad na igalang ang privacy ng mga naapektuhan ng insidente. (Vanz Fernandez)