Advertisers

Advertisers

Pagpaliban sa BSKE ‘di dapat ayunan ni PBBM

0 5

Advertisers

ISINUSULONG sa Senado ang pagpaliban (na naman) ng Barangay ang Sangguniang Kabataan (BSKE) na nakatakda ng Nobyembre 2, 2026.
Pinangungunahan ni Senador Chiz Escudero ang pagsusulong. Ang rason: makatipid ng budget ang gobierno. Gamitin daw muna ang budget sa higit na pangangailangan ng mamamayan. Sus!
Ilang beses na bang na-postpone ang BSKE? Pangalawa o pangatlo ngayon ‘pag nangyari…
Isa na namang paglabag sa batas ang gagawing ito ng Senado. May ruling ang Korte Suprema na ang termino ng BSKE ay tatlong taon lamang.
Na-extend ng dalawang taon ang BSKE na dapat ay ginawa noong 2024 dahil narin sa hirit ng Kongreso na makatipid kuno sa budget. Budget na kinukupit nila!.
Ang budget ng BSKE ay hindi dapat gamitin sa ibang programa ng gobierno lalo sa mga ayuda. Dahil ang bawat programa ay may naka-appropriate na budget, ayon sa  General Appropriosations Act (GAA) kada taon.
Ang isa pang rason ng Senado para ipagpaliban ang BSKE ay para raw ayusin ang termino, gawing fixed term. Isa na namang paglabag ito sa Saligang Batas!
Kung talagang gusto ng gobierno hindi gumastos sa BSKE, buwagin nalang ito!  ‘Wag nang mag-eleksyon para tunay na walang gastos, gawin nalang appointee ng LGU ang barangay at SKs tutal kinokontrol lang nila ang barangay officials at SKs. Say n’yo, mga pare’t mare?
***
Ang pagpaliban sa BSKE ay nakasalalay lahat sa kamay ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. Maari niyang barilin ang panukala ni Escudero.
Kung papayag naman si PBBM na gawing fixed ang termino ng barangay at SKs, dapat pagkatapos na ng BSKE sa Nobyembre.
Oo! Dapat matuloy ang BSKE sa Nobyembre bago ang fixed term na ’yan. Dahil masyado nang matagal sa puwesto ang ibang barangay ang SKs. Okey lang sana kung responsableng opisyales, paano kung mga tulisan at mabisyo? Kawawa ang barangay!
Kaya, Mr. President, ibasura ang basurang panukala ni Escudero. Ituloy ang BSKE sa Nobyembre 2. Period!
***
Talagang walanghiyaan na ang paglustay sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagpatuloy ng Impeachment Trial, lumabas ang mga pangalang imbento na nakatanggap ng malaking halaga mula sa confi funds ni Sara.
Ito’y sina: Antonio Pagong, nakatanggap ng P100,000; Timon Andrew Pusa (P100K); Don Piang (P250K); May Pamana (P150K); Shane Ngitngit (P150K); Xuniso P. Belat (P100K).
Ang rason dito ng OVP ay confi funds kaya confidential din ang pangalan ng tao. Pero ang confi funds ay taxpayers money. Dapat malaman ng publiko kung tunay nga bang mga tao ang nakatanggap o sa bulsa lang nila pumasok ito?
Tuldukan!