Advertisers

Advertisers

250K DOXYCYCLINE CAPSULES INIHANDA NG MAYNILA LABAN SA LEPTOSPIROSIS

0 3

Advertisers

Dahil sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa Maynila– ang pamahalaang lokal ay naghahanda na ng maraming gamot para dito.

Aabot sa mahigit 250 libong doxycycline capsule ang inihanda na maarring makuha sa mga health centers at ospital ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso mahalaga ang maagang paghahanda dahil ang mga impeksyon ay maaring lumabas makalipas ang ilang araw matapos lumusong sa baha dulot ng mga pag-ulan.

Sinabi ni Mayor Isko na handa ang mga ospital at health center sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan sakaling tumaas at dumami pa ang kaso ng naturang sakit.

Aniya, mayroong pitong ospital sa lungsod at 44 health center na maaring tumugon sa mga pangangailangang medikal ng publiko.

Kumpara sa nakaraang taon sa parehong panahon, mas mababa pa rin ngayon ang mga naitalang kaso ng leptospirosis .

Pero dahil sa mga nagbabadya pang mga pag-ulan at pagbaha sa mga susunod na mga araw, posible pang tumaas ang kaso ng naturang sakit.

Binigyang-diin ng alkalde na hindi lamang para sa mahihirap ang doxycycline dahil maari ding makinabang ang sinumang nalantad sa baha at nangangailangan ng proteksyon kabilang ang mga hindi residente ng Maynila.

Nanawagan naman ang Manila LGU sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha hanggat maari.

Sakali namang nalantad sa baha, pinayuban ang mga ito na magpatingin sa health center o ospitallara sa tamang payo at gamot. (Jocelyn Domenden)