Advertisers

Advertisers

Bakit ‘di ipatawag na hostile witness si Col. Lachica?

0 6

Advertisers

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi ipinatatawag ni prosecution team si Colonel Raymund Lachica, ang chief security officer ni Vice President Sara Duterte na tumanggap ng daan daang milyong confidential funds na hinihimay ngayon sa impeachment trial.
Ginisa na kasi ng prosecution team ang mga naging opisyal ni Sara na sina Gina Acosta, ang OVP Special Disbursing Officer; at OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, na kapwa nagsabing nai-release nila ang malaking bahagi ng confi funds ni Sara kay Lachica ng wala manlang patunay na tinanggap ito ng huli.
Sinabi ni Lachica na handa siyang humarap sa impeachment trial, sasabihin daw niya ang buong katotohanan.
Pero duda ang prosecution team kay Lachica. Malamang kasi na magsisinungaling lang ito, gagawa ng mga kuwento na maaring magligtas kay Sara, sa pag-asang maliligtas din siya kapag naging pangulo si Sara sa 2028.
Sa trial, dapat alam ng prosecution kung ano ang sasabihin ng testigo. Hindi puedeng manghula, delikado yan.
Marami kasing rasonn kung bakit magsisinungaling lang si Lachica:
Una, si Lachica ay hindi neutral witness. Siya a kasama ni sara sa kasong Plunder ng confi funds.
Malayo ang posisbilidad na aminin ni Lachica na napunta sa kanya ang pera tulad ng mga sinasabi ng testigo.
Imposibleng ituro niya si Sara na siyang tunay na kumuha ng pera. Hindi niya rin aaminin na nakinabang siya sa pera. Peks man!
Duda ang prosekusyon na magsisinungaling lang si Lachica para iligtas si Sara. Mismo!
Malamang na gagawa lang ito ng mga pekeng istorya, pekeng operasyon, pekeng surveillance operations, imaginary intel gathering laban sa NPA, at kung ano ano pang kalokohan para i-justify ang paglustay sa kalahating bilyong confi funds.
Sisirain lang ni Lachica ang mga ebidensya, na pinagtibay ng naunang hostile witnesses na sina Scosta at Ortonio.
Tamang ‘wag nang gawing hostile witness si Lachica.
***
Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na mayroon siyang monetoring team sa impeachmen trial.
Ang mga makakalap anilang matitibay na ebidensiya sa trial ay gagamitin nila sa pagsasampa ng Plunder laban kay Vice President Sara Duterte at sa mga kasabwat nito sa paglustay sa higit kalahating bilyong confi funds na naubos sa mga  multong recepients
Ibig sabihin dito, ‘pag nakaligtas sa impeachment si Sara, mahaharap naman siya  sa mga posibleng kasong Plunder, Graft, Malversation at Perjury. Araguy!!!
***
Natumba daw si Senador Jinggoy Estrada habang naliligo sa loob ng New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City Mierkoles ng umaga.
Lumagatok daw ang tuhod nito at hindi na siya napatayo. Itinakbo siya sa Cardinal Santos Medical Center.