Advertisers
“NORMAL” sa ano mang organisasyon at kahit mga ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng “rigodon” para mabigyan ng pagkakataon ang bagong lider na mailagay sa puwesto ang mga taong sa tingin niya ay karapat-dapat at mayroon siyang tiwala na ipapatupad ang kanyang mga direktiba.
Ang kaibahan nga lang sa gobyerno, sadyang maraming “maepal” at “mas marunong” pa sa “Boss” dahil ang ipinagmamalaki ay ang hebigat nilang ‘MBA’ – hindi master’s in business administration, bagkus, “may backer ako!”
Ganyan ang dinatnan na sitwasyon ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno nang sorpresa siyang italaga ni PBBM Hulyo nang nakaraang taon.
At alam ni Comm. Ariel na bukod sa kanya, karamihan din ng mga opisyal sa Aduana ay may “kapit” sa mga nasa poder, partikular na sa Palasyo at Kongreso kaya sa kanyang mga galaw, ‘handle with care’ wika nga.
At dahil “pare-pareho” lang silang mga “bata” ng Malakanyang, ito marahil ang dahilan kung bakit ‘yung isang dating mataas na opisyal, aba’y garapal na nakialam sa trabaho ni Comm. Ariel upang pagkaperahan ang rigodon ng mga opisyal at empleyado ng Customs.
Malakas ang loob nitong mamang ito na balita natin ay “padrino” nitong si ‘Vicente Talakera’ na gumawa ng katarantaduhan dahil ang palaging ibinibida, “close friend” sila ni First Lady LAM!
Eh, mantakin ba naman ninyo na habang gumagawa ng listahan para sa ‘organizational reshuffle’ ang bagong liderato ni Comm. Ariel, may sarili na palang ‘enrollment list’ itong nasabing opisyal at ang enrollment fee ay P200,000 kada “ulo,” wow!
Sa mahigit 20-pahinang listahan na nagawa ng mamang ito, magkano sa tingin ninyo, ang kanyang naging kuwarta, aber? At “obligasyon” pa umano ng mga mapupuwesto na bigyan siya ng regular na “parating,” talaga rin naman!
Sadyang maginoo si Comm. Ariel kaya nang magkabistuhan, hindi na ginawang eskandalo at pinag-submit na lang ng resignation letter, ang ‘official version’ ng Customs kung bakit wala na siyang trabaho.
At si FL LAM? Sa matinding pagkabuwisit sa pagkaladkad sa pangalan niya, ang balita natin nagbilin na huwag bigyan ng puwesto kahit janitor itong “amo” (daw) ngayon nitong si Vicente sa kahit anong ahensiya ng gobyerno.
Sabi nga nila? “Karma is a bitch!”