Advertisers

Advertisers

Anyare sa kaso ni Sen. Villanueva sa ghost flood control?

0 6

Advertisers

GRABENG mga pagbaha ang nangyayari ngayon sa Bulacan. Hindi na humuhupa ang tubig-baha. Patay na nga ang ekonomiya rito.
At ang mga Bulakenyo na hindi na nakaapak sa lupa kundi puros sa baha nalang ay nagtatanong: Bakit wala pa raw nakukulong sa mga opisyal sa kanilang lalawigan na silang nasa likod ng mga depektibo at multong flood control projects na pinondohan na ng bilyones na taxpayers money.
Bakit puros taga-DPWH officials lang daw ang nakasuhan at nakulong? Bakit ang politikong nagbaba ng pondo sa DPWH ay hindi manlang nagalaw?
Ang tinutukoy dito ng netizens ay si Senador Joel Villanueva, at ilang kongresista sa lalawigan ng Bulacan.
Ano na nga ba ang nangyari sa kaso ni Sen.Villanueva, Ombudsman  “Boying” Remulla? Sabi mo noon hindi na abutin ng Disyembre (2025) si Villanueva sa laya? Anong petsa na ah? Bakit nasa Senado parin si Villanueva at nagyayabang pa!!!
Hmmm… dahil siguro sa lumipat na si Villanueva sa majority block, boboto para ma-impeach si Vice President Sara Duterte?
Ang politika nga naman!!! ‘Pag kalaban kulong, ‘pag kakampi, absuelto. Pukaw na mo!
***
Patindi nang patindi ang away nina Senador Alan Peter Cayetano at Ping Lacson.
Pero tingin ko talo si Cayetano. Kasi sa tuwing hinahamon niya si Lacson sa mga akusasyon laban sa kanya ay naglalabas ng resibo si Ping. Hehehe…
Tulad nalang nang hamunin ni Alan si Ping na maglabas ng ebidensiya tungkol sa umano’y ni-reclaim na parcels sa Taguig City.
Say ni Ping, may resibo siya ng apat na illegally reclaimed parcels sa Taguig. “Fraudulent” o mapanlinlang daw ang titulo nito. Araguy!!!
Samantala, pinatitigil na ng gobierno ang mga proyekto ng mag-asawang Sen. Alan at Mayor Lani Cayetano na in-expose na iligal ni Ping sa Taguig City.
Nangangamoy arrest warrant na rito.
Subaybayan!
***
Dapat gisahin ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga provincial director ng ahensiya kung paano nababayaran ang mag proyekto na depektibo, hindi pa tapos at wala talagang proyektong itinayo.
Sa Romblon province, halos lahat ng proyekto ay depektibo pero walang nakakasuhan.
Ang mga opisyal ng DPWH partikular ang district engineer ay ubod ng yayaman. Nakapagtataka ‘di ba?
Pero higit na imbestigahan dito ay ang lone district congressman ng lalawigan na si “Budoy” Madrona, na ayon sa mag-asawang controversial contractors  Curlee ay Sara Discaya ay nag-a-advance sa kanila ng kickback ng hanggang 30 percent!!!