Advertisers
Sa Maynila, walang nagpa-panic, di tulad sa ibang LGUs na dinedelubyo ng baha – na dala ng malalakas na buhos ng ulan at bagsik ng habagat.
Ever ready kasi, 24/7 nasa alive and alert move ang Maynila, e si Mayor Isko ngayon ang nasa cityhall, e siya, very famous sa bansag niya Bilis-Kilos na leadership style, na nasaksihan noong kasagsagan ng pandemyang Covid 19.
Kilalang tatak ng panunungkulan ni Yorme KoIs ay mabilis na tugon, malinaw at maaksiyong komunikasyon, at direktang pamamahala: ‘Yan ang tatak ni Isko Moreno.
Hindi pa man dumarating ang tag-ulan na agad kasunod ang baha, handa na ang Maynila, lalo na ngayon na pinalubha ang taunang problemang ito – na dulot ng mga palpak na flood control projects.
Noon pa, alam ni Yorme, bahain ang Maynila, gawa ito ng kulang na drainage at matatanda, makikipot na imburnal, at maling paggawa ng flood control projects, kamakailan, ibinunyag niya na nalustay ang bilyon-bilyong pondo, pero nagresulta sa paglubog sa mabaho, marumi at nakalasong tubig baha.
Hindi lang abala sa trabaho, sa trapiko ang epekto nito, nalagay pa sa panganib ang kaligtasan, kalusugan at kabuhayan ng Manilenyo at mga negosyo.
Pero gaya ng alam natin, may Bilis-Aksyon, Agad na Kilos approach si Mayor Domagoso – na agad sa unang mga araw ng pag-ulan, nagpatupad na siya ng emergency response.
Ang lahat ng ahensiya, opisina at tauhan na kunektado sa disaster, risk reduction at rescue operation, agad niyang dineploy, kasama ang, relief operation teams.
Agad na pinaayos ang mga pumping stations, nilinis ang mga barang dumi, basura sa mga imburnal at waterways.
Katuwang ang DPWH, nagpapatupad ngayon si Yorme ng malalaking floodmitigation projects sa España Boulevard at iba pang floodprone areas.
Ina-upgrade na ang mga drainage, imbakan at detention basins, at ito ang maganda — gumagamit sila ng AIpowered drones para sa early flood prediction upang agad na mapadalhan ng tulong ang mga residente na labis na pineperwisyo ng bagyo, habagat at ng kahit ano pang emergency situation.
Tunay na Bilis-Kilos na tatak Isko Moreno!
At lagi nang may koordinasyon ang City Hall sa DPWH, at kamakailan, may ginawang Joint Inspection at Drainage Clearing Mayor Isko at DPWH Sec. Vince Dizon sa mga bahaing lugar ng Maynila – na sinundan nga ng malawakan, tuloy-tuloy na declogging operations.
Ay, nakakagulat, tambak na basura, buhangin, lupa, sari-sariling plastic at mga bara ay nakuha sa ginawang 24/7 clearing operations sa Espana St., Taft Avenue, at Adriatico kaya nabilis na nawala ang baha, maayos ang takbo ng trapiko, at ligtas sa abala ang mga motorista at residente.
At ano pa ang ginawa ng Bilis-Kilos Approach ni Yorme Isko?
Kasama ang DPWH, city engineers at iba pang concerned groups, pinag-aaralan na ang drainange system upgrader at pag-aayos at pagpapalit ng luma at sirang imburnal, at mga kunektadong daluyan ng tubig sa pumping stations ng Earnshaw, UliUli, Aviles, at Valencia.
Plano na rin ang pagpapataas ng mababang bahagi ng España Boulevard, at ito ang maganda, plano ni Yorme Isko na magtayo ng isang Water Encasement Facilityy sa Earnshaw Street upang mabilis na madivert ang nakatenggang tubig sa lugar.
Yung maruming tubig na favorite breeding ground ng mikrobyo, at dengue mosquito.
At itong AIPowered Drones ay advance technology na may 3D spatial mapping drones na may kakayahang magpredict ng pagbaha hanggang dalawang oras bago ito mangyari, batay sa rainfall volume, land elevation, at drainage mapping.
Kaya, agad, mabilis, maagap na nakakilos agad ang rescue, relief operations para sa matulungan at maapektuhang residente.
Epekto ng mga ganitong mabilis na kilos ay kabutihan sa Manilenyo – na nakita sa mabilis na pagbaba ng antas ng tubig na agad na nawawala mula sa lalim na hanggang baywang na nagiging hanggang bukong-bukong na loob lamang ng mahigit dalawang oras.
Ang resulta: mas ligtas na biyahe sa lahat, lalo na sa mga commuters sa Sampaloc at España area at iba pang bahaing lugar ng Maynila.
Tungkol sa mga palpak na flood control projects, may mga hakbang nang ginagawa si Mayor Moreno – ito ang audit at review ng mga kontrata at kung paanong nagawa ang proyekto nang walang permit na kinuha sa cityhall.
Nagbabalak na ang City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Chi Atienza ng magpataw ng parusa — mataas na multa at kulong, at blacklisting sa mga palpak na contractor at mga opisyal na kasangkot.
Diin ni Yorma Isko, mahalaga ang public accountability at kahit sino man, pananagutin sa mga pagkukulang, at pagpapatupad ng tamang proyekto upang masolusyonan ang baha sa Maynila.
Kahit sa panahon ng bagyo at baha, sa Bilis-Kilos ni Mayor Isko Moreno, mapapanatag ang kaloooban ng Manilenyo.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.