Advertisers
Sa huling dalawang game ng Gilas Pilipinas ay wala si Justine Brownlee.
May iniinda kasing injury ang ating naturalized citizen.
Pero pinagsumikapan ng All -Pinoy line-up na magwagi. Kahit underdog sa laban kontra Jordan at Iran ay ibinuhos nila ang kakayahan at ibinigay ang buong puso upang makamit ang mga krusyal na panalo noong Biyernes at Linggo sa SM MOA.
Mas maganda ikot ng bola kaya balanse ang scoring ng koponan.
Nagbalik ang higit na matipuno ang katawan at lalong gumaling na si Kai Sotto. Double-double siya sa puntos at rebounds sa parehong match.
Katuwang si AJ Edu ay nakontrol nila ang ilalim.
Nag mature na laro nina Kevin Quiambao, Carl Tamayo at Juan Gomez de Leaño. Steady sa depensa sina Scottie Thomoson at Chris Newsome. Siyempre nandiyan pa rin ang nagrertirong si JuneMar Fajardo. Kapag kailangan ay nagdedeliver pa rin si CJ Perez.
Ang pinakaconsistent na player na si Dwight Ramos ay ginawa pa rin ang papel niya.
Mahusay balasa ng tao ni Coach Tim Cone. Timely ang substitution.
At huwag nating kalimutan ang 6th man ng team. Ang super involved na local crowd.
Maigi na nag step up lahat habang pahinga pa si Brownlee.Mabuhay kayong lahat!)
***
Nasa Canada ngayon ang PBAMoto Club. Sa isang usapan ng tropa ay natanong si Ryan Arana kung sino ang pinakamahirap niyang kasabayan sa panahon niya.
Pinapili siya kina James Yap na kasama nila sa trip sa Calgary at Edmonton, pati sina Willie Miller at Mark Caguioa. Ang sagot niya mapapagod ka ng husto sa tatlo nguni’t pinakapapawisan ka kay Miller.
“Si Willie kasi masasaktan ka rin sa banggaan dahil mabigat siya sa iyo,” kwento ni Araña na umabot ng 14 na taon sa PBA.
” Si James kasi mga outside shot madalas at si Mark naman mga medium range at drive,” dugtong ni Ryan.
Sa post play ay magaling nga namam si Miller. Tapos may jumper sa perimeter at long shot din.
Yung tatlo ay mga naging MVP ng liga. Tigdalawa sina Miller at Yap habang may isa si Caguioa.
***
Marami ang bumatikos sa 1 point production ni Scottiie Thompson vs Jordan noong isang gabi. Tapos bokya sa next game.
Pero may mga dumipensa rin sa kanya gaya ni Coach Tim Cone. Kahit isang free throw ni Iskati ay napigilan naman niya ang best shooter ng kalaban noong second half. Pagkatapos magtopscore noong first half ay naka- 6 of 22 lang ang import na si Jalen Harris. Isa ito sa dahilan kung bakit natin nahabol ang Jordanians.
Ganoon din role niya sa Iran.
Hindi man natural pointguard si Thompson ay nagampanan naman niya ang trabaho sa court lalo na ang pigilan ang mga scorer .