Advertisers

Advertisers

NBI ipatatawag si VP Sara, Pulong, ilan pa sa affidavit ni Gracioso

0 25

Advertisers

NILINAW ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi subpoena ang ipapa-dala kay Vice President Sara Duterte at kapatid nitong si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte para hingan ng pahayag kaugnay ng alegasyon ng dating police patrolman na si Rodulfo Gracioso Jr. tungkol sa umano’y paghahatid ng maleta-male-tang pera.
Sinabi ni Gracioso na naghahatid siya ng mga maleta na naglalaman ng pera kina VP Sara, dating Pangulo Rodrigo Duterte at Cong. Pulong.
Ang paghahatid nito ng pera ay batay sa utos ni dating House Speaker Lord Alan Velasco.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, imbitasyon lamang at hindi subpoena ang ipapadala sa mga persona-lidad.
Nais kasing iharap ng NBI sa Bise Presidente ang kopya ng affidavit at mga larawan na isinumite ni Gracioso upang siya mismo ang makapagbigay ng pahayag tungkol sa mga alegasyon.
Nakatakda ring imbita-han ng NBI si Velasco at ang kanyang asawa na kabilang sa mga personalidad na binanggit sa affidavit ni Gracioso.
Una nang itinanggi ni VP Sara ang alegasyon, sina-bing hindi niya kilala si Gracioso at wala siyang kailanman natanggap na pera mula rito.
Pero naglabas ng resibo si Gracioso at nagpakita ng mga larawan na kasama mismo ang bise presidente.