Advertisers

Advertisers

Comelec posibleng kapusin sa oras sa BSKE kung mag-isyu ng TRO ang SC

0 29

Advertisers

POSIBLENG hindi kayanin ng Commission on Elections (Comelec) na idaos sa Nobyembre 2, 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kung maglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa postponement ng halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kailangan ng sapat na panahon para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at pagpapakalat ng impormasyon sakaling muling magbago ang election schedule.
Sinabi ni Garcia na maaaring umabot ng dalawang linggo ang dissemination ng impormasyon.

Kailangan ding ayusin ang paghahanda at pagpapadala ng election paraphernalia sa Visayas at Mindanao.



Aminado si Garcia na magiging kapos sa oras ang Comelec kung itutuloy ang BSKE sa Nobyembre 2 matapos ang muling pagbabago sa timetable.

Sakaling mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema, magpapatuloy ang iba pang nakatakdang aktibidad ng Comelec, kabilang ang paghahanda para sa special elections sa Batanes sa Nobyembre 28 at iba pang plebisito.



Una nang pinagkomento ng Supreme Court ang Comelec, Kamara, Senado at Office of the President kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng batas na nagpapaliban sa BSKE 2026. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">