Advertisers

Advertisers

104K PAMILYA TATAMAAN NG SUPER EL NIÑO SA BANSA

0 21

Advertisers

PATULOY na dumarami ang bilang ng mga pamilyang naaapektuhan ng matinding El Niño sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa huling datos ng kawanihan, pumalo na sa mahigit 104,000 pamilya o katumbas ng lagpas 388,000 indibidwal ang direktang naapektuhan ng naturang tagtuyot.

Pinakamaraming naitalang apektado sa rehiyon ng Cagayan Valley, na sinundan ng Caraga, Calabarzon, at Bicol Region.



Dahil sa matinding epekto ng tagtuyot sa suplay ng tubig at kabuhayan, nananatili sa 106 na lokal na pamahalaan ang naisailalim sa State of Calamity sa buong bansa. Kabilang sa mga nagdeklara ay ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro, Sultan Kudarat, at Maguindanao, pati na rin ang ilang bahagi ng Palawan, Cebu, at Zamboanga City.

Malaki rin ang idinulot nitong pinsala sa sektor ng agrikultura, kung saan pumalo na sa humigit-kumulang P5.5 bilyon ang kabuuang halaga ng sirang pananim at naluging kita ng libo-libong magsasaka at mangingisda.



Samantala, umabot na sa higit P38 milyon ang kabuuang halaga ng tulong at relief assistance na naipaabot ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">