Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Allan Batarra Gepty, Leilani Marie Dacanay-Grimares at Pia Cristina Bersamin-Embuscado bilang Associate Justices ng Court of Appeals (CA).
Ayon sa Malacañang, bahagi ng mga bagong appointment ang pagpapalakas sa hudikatura at pagpapaigting ng paghahatid ng hustisya sa bansa.
Si Bersamin-Embuscado ay anak ni dating Executive Sec. Lucas Bersamin. Nagsilbi siya bilang Presiding Judge ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 198 bago maitalaga sa CA.
Ang tatlo ay kabilang sa mga bagong opisyal na itinalaga ng Pangulo upang punan ang mga posisyon sa appellate court. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)