Advertisers
POSIBLE umanong makaranas ang bansa ng mataas na singil sa kuryente at power outage dahil sa inaasahang epekto ng El Niño, ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Sharon Garin.
Ito ay matapos ianunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 106 na lungsod at munisipalidad at tinatayang 388,000 katao ang maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Department of Energy sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang matiyak na hindi sasamantalahin ang sitwasyon sa pagbebenta ng enerhiya sa kabila ng matinding init at tagtuyot.
Dagdag pa ni Garin, naghahanda na ang ahensya ng iba pang mga opsyon upang makatulong sa pagpapalakas ng power supply. Hinikayat din niya ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.
Samantala, sinabi ng Department of Agriculture (DA) noong Setyembre 26 na naapektuhan na ng El Niño ang 223,214 magsasaka sa 14 na rehiyon sa buong bansa.
Umabot na rin sa P6.87 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura.