Advertisers

Advertisers

Mark Villar tumawid sa majority; kuha ang CA at public works post

0 25

Advertisers

PORMAL nang lumipat si Senador Mark Villar sa Senate majority bloc matapos siyang mahalal bilang miyembro ng Commission on Appointments (CA) at chairman ng Senate Committee on Public Works kahapon.

Si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nagmosyon para ihalal si Villar sa dalawang posisyon. Walang senador ang tumutol sa kanyang pagkakahalal.

Kinumpirma mismo ni Zubiri na ang mga bagong posisyon ni Villar ay bahagi ng kanyang pagpasok sa majority.



Sa CA, pinalitan ni Villar si Zubiri. Ang Commission on Appointments ang bicameral body na may kapangyarihang aprubahan o tutulan ang mga appointment ng Pangulo sa ilang matataas na posisyon sa pamahalaan, kabilang ang mga department secretary, ambassador at ilang opisyal ng Armed Forces.

Habang pinalitan ni Villar si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III bilang chairman ng Senate Committee on Public Works.



Kasabay nito, inihalal din si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang miyembro ng CA, kapalit ni Sen. Loren Legarda.

Naganap ang paglipat ni Villar mula minority patungo sa majority ilang linggo matapos niyang suportahan ang mosyon na umapela sa desisyon noong Hulyo 6 hinggil sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.



Dahil sa paglipat ni Villar, umakyat sa 14 senador ang majority bloc, habang 10 senador naman ang nananatili sa minority.

Apat sa mga senador sa minority ang kasalukuyang hindi dumadalo sa mga sesyon.

Kabilang dito sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, na kapwa nakakulong kaugnay ng magkahiwalay na plunder charges; si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na hindi dumadalo sa sesyon dahil sa arrest warrant mula sa International Criminal Court; at si Sen. Legarda na ilang buwan nang naka-extended medical leave. (Mylene Alfonso)