Advertisers

Advertisers

Mga online platforms inabisuhan ng pamahalaan ukol sa online child protection law

0 34

Advertisers

IGINIIT ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na mahalaga ang mabilis na koordinasyon sa mga online platform para mailigtas ang mga batang biktima.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni CICC Usec. Aboy Paraiso na dati ay umaasa lamang ang mga awtoridad sa open-source intelligence na hindi sapat para matukoy ang mga groomer at biktima.

Mahalaga aniya ang agarang pagtugon dahil may mga pagkakataong kailangang iligtas ang isang bata mula sa tinatawag na tasking.



Samantala, magkakaroon na rin aniya ng Philippine presence ang Discord bilang bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan nito sa pamahalaan.

Ayon kay Paraiso, isa ito sa mga napag-usapan sa koordinasyon ng CICC at Discord, kasabay ng paghahanda sa bagong batas para sa online child protection.



Ipinaalam din aniya ng pamahalaan ang nalalapit na pagpapatupad ng enhanced OSAEC-CSAEM law.

Layunin ng batas na palakasin ang proteksyon sa mga bata laban sa online sexual exploitation at pang-aabuso. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">