Advertisers

Advertisers

Senate Minority nananatiling matatag sa gitna ng mga pagbabago sa mga alyansa

0 19

Advertisers

Sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na nananatiling matatag ang Minority bloc sa kanilang prinsipyo at paninindigan sa Diyos at sa sambayanang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagbabago ng political alliances ngayong 20th Congress.

“Senate coalitions may change, but our vision, principles, and commitment to God and to the Filipino people remain steadfast,” wika ng Minority Leader sa Facebook nitong October 8, 2026.

Ipinahayag ito ni Cayetano matapos lumabas ang mga ulat na lumipat na si Senator Mark Villar sa Senate Majority bloc. Ang kanyang kapatid na si Senator Camille Villar ay nananatiling miyembro ng Minority.



Sinabi ni Cayetano na patuloy na gagampanan ng kanilang grupo ang kanilang tungkuling nakasaad sa Constitution bilang “fiscalizers and constructive oppositionists, upholding the rights of every Filipino and respecting both God’s laws and the laws of man, particularly the Philippine Constitution.”

Sinabi rin ng Minority Leader na nauunawaan niya ang mga sitwasyon at konsiderasyon na maaaring humantong sa mga pagbabago sa political alliances, kabilang na ang kahalagahan para sa administrasyon na mapanatili ang isang matibay at nagkakaisang Majority sa Senado.



“Regardless of how the political landscape shifts, our duty remains unchanged. We will continue to stand for what is right, uphold our institutions, and work for the good of our nation,” wika ng senador.

Para sa patuloy na pagsulong ng bansa, sinabi ni Cayetano na patuloy na ipapanalangin ng Minority ang bayan at nagpaabot siya ng mabuting hangarin para kay Senator Mark Villar at sa lahat ng kanilang mga kasamahan.



“May God grant us all the wisdom, humility, and strength to faithfully serve Him and the Filipino people,” aniya.