Advertisers

Advertisers

Sen. Jinggoy muling sinuspinde ng Sandiganbayan ng 90-araw

0 58

Advertisers

PINATAWAN muli ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada ng 90-day preventive suspension kaugnay sa kinakaharap nitong plunder at graft charges bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa flood control project scandal.

Ito na ang ikalawang 90-day preventive suspension na natanggap ni Estrada simula nang isyuhan ito ng Second Division ng anti-graft court ng kaparehong resolusyon noong Hunyo kaugnay sa graft charges.

Ipinag-utos ng Fifth Division na padalhan ng kopya ng resolusyon si Senate President Sherwin Gatchalian sa pamamagitan ng Senate Secretary.



Hiniling din sa Office of the Senate President na ipabatid sa hukuman ang kanilang aksyon sa loob ng limang araw mula nang matanggap nila ang resolusyon.

Nitong Setyembre, pinagtibay ng Fifth Division ang desisyon noong Hulyo na nagbasura sa motion to fix bail ni Estrada kaugnay sa P573-million plunder case na kinakaharap nito dahil sa flood control mess for lack of merit.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">