Advertisers

Advertisers

ALEX WANG: POKUS DIN SA IBANG SPORTS, ‘DI LANG BASKETBALL

0 21

Advertisers

WALANG debate kung sa pagmamahal sa larong basketball ang pag- usapan.

Ito ang favorite pastime ng mga Pilipino kahit na sa real talk ay di bagay dahil sa pisikal na aspetong ang basketball ay laro ng matatangkad.

Kaya kapag dumadayo tayo sa ibang bansa,sobrang yabang na natin kapag nadisgraya ng Pinòy 5 ang mga higanteng koponan sa Europe maging sa Asia tulad ng China at Middle East countries.



Kahit gumastos ng malaki ang mga pinuno ng basketbol natin ay sige lang kaya nabuo ang Gilas Pilipinas na matagalang programa sa naturang sport.

Tayo pa nga ang unang bansa sa Asia na nakapagtatag ng propesyunal na ligang Philippine Basketball Association( PBA).



Sari-saring ligang komersyal ang nagsulputan at sa scholastic sports program ay basketball ang banner event na tunay namang dinudumog ng fans.

Si basketball afficionado Alex Wang ay sobrang pagmamahal niya sa sport mula maging player,coach,manager,team owner at taga-suporta ng womens national basketball team noon.



Siya ang dating pinuno ng Millenium Basketball League( MBL) na maraming naging produkto tungong bigtime basketball.

itinatag niya ang Wangs Basketball( Wangs Sports) na naging lunduyan ng mga upcoming players mula collegiate hanggang commercial leagues pati na ang mga ex- pros na nagnanais makabalik sa play- for- pay na PBA.

Kasali na rin sa kanyang programa ang paghubog ng mga batang basketbolista na piping saksi sa kanyang adbokasiya ang Aquinas Gym sa San Juan partikular tuwing Sabado.

Marami na siyang natulungan at di biro ang nalalagas sa kanyang cuarta moneda sa loob ng tatlong dekada na todo-suportado naman ng kanyang pamilya.

Ang basketball kasi ay mabisang tulay sa camaraderie at relasyon sa negosyo.

Pero bukod dito ay may iba pang sport na sinusuportahan si Wang tulad ng golf at mga racquet sports atbp.na ang misyon niya ay makatuklas ng talento na makapagbibigay ng karangalan sa bansa.

” Di lang basketball ang sports natin although mabisa itong ambassador of goodwill pero kung ginto ang pag-uusapan ay malàbo nating mahukay sa international at world stage maliban sa Southeast Asia”, wika ni Wang. ” Lahat ng gold medal natin sa Olympics,World,Asian Games ay hindi basketball kundi ibang discipline para sa Philippines.Kaya pokus din tyo sa ibang sports mula preparasyon ,training at resources.Itodo ang suporta sa ating mga potensyal na atleta”, ani pa Wang. SAKTO!