Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Muling namayagpag sa pagrampa si Global Fashion Icon Heart Evangelista matapos pangalanan bilang isa sa Top Celebrities ng nagdaang Milan Fashion Week.
Ayon sa data and technology company na Launchmetrics, pumalo sa $9.8 million ang halaga ng Media Impact Value (MIV) ni Heart na patunay sa malaki nitong ambag sa larangan ng fashion at pagiging influencer.
Bukod naman sa appearance ni Heart sa fashion weeks, nag-viral din kamakailan ang pag-fangirl ni Megastar Sharon Cuneta sa interaction ng mag-seatmate na sina Heart at K-pop star Taemin sa isang show sa Paris.
Sey ni Megastar sa kanyang Instagram post, “Be still, my pearl aqua Shawol heart! How do I breathe when a pic and vid of my [SHINee] maknae Taemin meeting my babygurl [Heart Evangelista] pop up on my feed! Waaaah Hearty anak jusko namaaaaaan!!! Love na love ko yang katabi mo!!! (At ikaw!)” Komento naman ni Heart, “Mamaaaaaa!!! Super bait niya!!!”
Talaga namang nakaka-proud ang milestones ni Heart all around the world!