Advertisers
KINUMPIRMA ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na muling naghain ng pagpapalawig ng kaniyang medical leave si Senator Loren Legarda sa gitna ng patuloy nitong pagpapagaling sa kaniyang karamdaman.
Ayon kay Bantug, na nagsumite ang senadora ng aplikasyon para sa leave para sa nakaraang Lunes at Martes, Oktubre 12 at 13.
Sa kabila nito, wala pa namang inihahaing aplikasyon para sa leave si Legarda para sa paparating na buwan ng Nobyembre.
Nagsimula na nitong Miyerkules, Oktubre 14 ang 26 na araw na bakasyon ng impeachment trial at ng regular na sesyon ng Senado na nakatakdang magbalik sa Nobyembre 9.
Matatandaang buwan pa ng Agosto nang simulang mag-medical leave ang senadora dahil sa kaniyang kondisyong pangkagalingan.