Advertisers

Advertisers

Higit 111-K pulis ipapakalat sa Undas

0 22

Advertisers

MAHIGIT 111,000 na kapulisan ang ipapakalat para magbigay ng seguridad para sa obserbasyon ng All Saint’s Day at All Soul’s Day sa darating na Nobyembre 1 at 2.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) na ang nasabing bilang ay doble kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na papaigtingin ng kapulisan ang pagbibigay ng seguridad sa mga sementeryo sa bansa.



Aabot sa 111,582 na mga kapulisan ang ipapakalat sa 5,682 na mga sementeryo at columbarya sa buong bansa.
Noong nakaraang taon kasi ay nasa 50,000 lamang ang bilang ng mga kapulisan na ipinakalat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">