Advertisers

Advertisers

2 magsasaka ‘nagduelo’ sa ‘ritwal’ kapwa todas

0 18

Advertisers

NAUWI sa trahedya ang alitan sa lupa ng dalawang magsasaka nang sumailalim sa isang ritwal na tinatawag na “Sulif” o trial by ordeal upang maresolba ang kanilang hindi pagka-kaunawaan sa Datal Angas, Alabel, Sarangani Province.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tonny Bulanon Mansag, 69 anyos; at Gaspar Tusan Palasanon, 49, kapwa residente ng nasabing barangay.
Batay sa paunang imbestigasyon, isinagawa ang natu-rang ritwal nang mabigong magkasundo ang dalawa sa kabila ng pagdulog sa barangay.
Sa ilalim ng ritwal, kapwa silang nagpaligsahan sa pagpigil ng hininga sa ilalim ng tubig. Umabot sa 12 minuto ang kanilang pananatili sa tubig bago sila kinailangang isugod sa ospital.
Gayunman, hindi na nailigtas ang dalawa. Dead on arrival ang isa, habang binawian ng buhay ang ikalawa makalipas ang ilang sandali.
Ang insidente ay muling nagbubukas ng usapin sa panganib ng paggamit ng mapanganib na ritwal sa paglutas ng sigalot, lalo na kung buhay ang nakataya.
Isinagawa raw ang naturang ritwal bilang bahagi ng tradisyunal na paraan ng pagresolba sa kanilang sigalot.
Ginagamit ng ilang katutubong pangkat ang Kallep o Sulif bilang paraan ng pagtukoy kung sino ang may pananagutan sa isang alitan.
Sa naturang paniniwala, ang unang makaahon sa tubig ang itinuturing na walang sala, habang ang hindi agad makaahon pinaniniwalaang may pananagutan.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Alabel Municipal Indigenous Peoples’ Affairs Office hinggil sa insidente.
(Ronald Bula)