Advertisers

Advertisers

PASIG PNP, NAHULI ANG TOP 2 AT TOP 6 MOST WANTED SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON!

0 28

Advertisers

PASIG CITY — Matagumpay na naaresto ng Pasig City Police Station ang dalawa sa wanted sa lungsod sa magkahiwalay na manhunt operations noong Nobyembre 4, 2026, sa Barangay San Miguel.

Unang naaresto ang ika-2 sa listahan ng Most Wanted na kilala bilang “Ya Ku,” 23 anyos, sa kahabaan ng Dr. Pilapil Street.

Inilabas ang warrant of arrest ng Family Court, Branch 12, Pasig City noong Nobyembre 3 para sa limang kaso ng paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Act, na walang inirekomendang piyansa.



Sinundan ito ng pagkakadakip sa ika-6 sa listahan na si “Noli,” 71 anyos, sa kahabaan ng Eusebio Avenue.

Nahaharap ito sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng RA 8353 na walang inirekomendang piyansa, base sa warrant na inilabas noong Oktubre 26, 2026.



Ayon kay P/Col. Wilson Delos Santos, Officer-in-Charge ng Pasig CPS, patuloy ang pagsisikap ng pulisya na masigurong haharap sa batas ang sinumang may nakabinbing kaso. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">