Advertisers
HIGIT P400 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang warehouse sa Pasay City nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Customs, galing Guinea, Africa ang kontrabando na nadiskubre sa Pair Cargo Warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex, Pasay City.
Nasa 58.93 kilo ang bigat ng ilegal na droga na may halagang P400,724,000, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Iniimbestigahan pa ng PDEA ang nag-claim ng kontrabando na sina Melando Lopez at Steven Caro. (Jocelyn Domenden/Mark Obleada/Jojo Sadiwa/ Jerry Tan)