Advertisers

Advertisers

Comelec inilabas ang updated calendar of activities para sa BSKE

0 198

Advertisers

INILATAG na ng Commission on Elections (Comelec) ang updated na calendar activities para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na itinakda sa Oktubre 30.

Batay sa Commission on Elections en banc Resolution 10902, ang election period at pagpapatupad ng gun ban ay mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.

Ang paghahain naman ng Certificates of Candidacy (COCs) ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.



Simula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18, ipinagbabawal ang pangangampanya na kung saan ito ang magbibigay daan para sa campaign period sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.

Ipinagbabawal muli ang pangangampanya mula Oktubre 29 hanggang Oktubre 30, kasama ang pagbebenta, pagbili, o pag-inom ng mga alcoholic drinks.

Sa Araw ng Halalan sa Oktubre 30, ang casting ng mga boto ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.