Advertisers

Advertisers

Rep. Teves inginuso ng 10 suspek sa Degamo slay

0 177

Advertisers

Hindi bababa sa 10 suspek ang nagdawit kay Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. sa pagpatay kay Governor Roel Degamo, ayon sa Department of Justice.

“The statements that were issued so far point to a certain involvement on his part,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa ulat nitong Huwebes.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hawak nito ang 10 salaysay mula sa mga suspek na nagdidiin kay Teves sa pagpatay kay Degamo at walo pa.



Kabilang sa mga nag-uugnay kay Teves ang assault team members na naaresto sa pagbaril kay Degamo.

Nang tanungin kung sapat itong ebidensya laban kay Teves, ani Remulla, “It may be enough depending on the requirement of the panel of prosecutors. But it’s better if we can further the information there.”

Subalit, hindi maituturing na pugante si Teves, dahil sa gumugulong na proseso ng batas.

“He is a person wanted for questioning. He has a lot of explaining to do. He is a subject of summons so that he can do explaining and the fact that he does not want to serve with the service of summons means that he is evading,” pahayag ni Remulla.

Sa kasalukuyan ay wala pang pang tugon ang kampo ni Teves.



Tumangging umuwi sa bansa si Teves dahil sa safety concerns.

Isinuko naman ni Former Negros Oriental governor Pryde Henry Teves, kapatid ng suspended congressman, ang kanyang mga baril sa Bayawan City Police Office para sa safe keeping.

Nauna na rin niyang sinabi na handa siyang buksan ang bank accounts at lahat ng komunikasyon para patunayang wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Degamo.

“Iba yung waiver niya, Iba yung waiver kung iba yung magbibigay ng waiver si former congress, si ano congressman Arnie. I wish it was him giving the waiver and not Henry,” ani Remulla.

Samantala, si Speaker Martin Romualdez muna ang mangangalaga sa third district ng Negros Oriental, bilang kinatawan ni suspended lawmaker Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Tumugon naman ang Special Task Force Degamo sa mga pangambang itinanim umano ang mga armas sa compound ng dating Negros Oriental governor.

“Ngayon, siguro naman wala siyang masasabing pinlanta ito. bakit? paano mo ipa-planta eh 8 feet deep, nag-backhoe pa kami,” ani Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Binawi na rin ang license to own and to carry weapons ni Teves, kanyang kapatid at mga anak.

Sa halos 50 baril na pagmamay-ari ni Teves at kanyang kapatid, hindi bababa sa 12 ang nakumpiska noong Enero.