Advertisers
Ni BETH GELENA
HINDI napigilan ni Janine Gutierrez ang maging emosyonal nang blang lumabas sa Magandang Buhay ang kanyang yaya na si Nanay Pat.
Guest kamakailan ang lead actress ng Dirty Linen sa MB.
May episode na ipagluluto ni Janine ang dalawang host ng MB na sina Melai Cantiveros at Regine Velasquez (wala si Jolina Magdangal na isa pang host).
Nang makita ni Janine ang kanyang yaya ay gulat na gulat ang aktres.
Kaya tanong ni Melai kung bakit naiiyak si Janine.
Ani Janine, naalala raw niya nung magkasakit ang kanyang yaya.
Nag-diagnose raw na may cancer ang kanyang yaya.
Iyak daw nang iyak si Yaya Pat nang malaman ang kanyang sakit.
Para makatulong kay Yaya Pat financially, doon na raw naislp ni Janine ang mag-artista para matulungan ang kanyang Yaya Pat.
Cancer survivor na raw ngayon ang kanyang yaya.
“Actually mahiyain talaga ako. Hindi ko naman inisip na mag-aartista ako, pero nung college ako, si Yaya ay nagkasakit. Tapos parang hindi ako makatulong. So sabi ko sa mommy ko, ‘Ma, gusto ko na mag-artista para may panggamot si Yaya.”
And to make the story short kaya naroon si Yaya Pat ay para tulungan si Janine na magluto.
“Alam mo nung sinabing cancer, sa doctor hindi ako umiiyak. Pero paglabas ko dun sa pasilyo ng St. Lukes, umiiyak ako [naisip ko] kawawa naman ‘yung mga alaga ko baka kapag may ibang mag-alaga ano baka sigawan, baka apihin,” sey naman ni Yaya.
***
LJ PINOST ANG SELFIE KASAMA SI SUMMER NA FUNNY FACE
Nagbahagi si LJ Reyes ng funny face photo ng anak nilang babae ni Paolo Contis na si Summer.
Hanggang ngayon ay sa Tate pa rin nakatira si LJ kasama ang dalawang anak na sina Summer at Aki, anak naman niya kay Paulo Avelino.
Kamakailan lang ay pinost ni LJ ang selfie photo nila ni Summer na naka-funny face ang bagets.
“To my dearest kengkay Summer, oo na alam mo na secret ni mommy sa lashes,” caption ni LJ.
“Ikaw na may natural long lashes lol. But thanked to @beautybuffet_nye I can have lashes like yours!” dagdag pa ni LJ.
***
ANG daming komento sa lumalaking baby bump ni Toni Gonzaga.
Gusto pa raw yatang ilihim muna ni Toni ang pagbubuntis dahil tila naimbyerna umano ang TV host-aktres nang naglabasang buntis siya nung kasagsagan ng isyu sa mister niyang si direk Paul Soriano hinggil sa presscon para sa Hollywood Pinay actress na si Vanessa Hudges.
Eh, komento nga ng mga netizen, “May tiny baby bump na siya sa concert pa lang niya. Dito naman super obvious na + manas pa ang paa.”
“Obvious naman naka-flats sya. And manas ang mukha and paa”
“She has really model thin legs and ankles. Ito direcho na. She is manas”
“Ano ngayon kung preggy? She’s married. It’s not a big deal.”
“Parang ikaw lang gumagawa ng issue- what do you mean by ano ngayon? O edi pinaguusapan, bawal? Powerful e diba? Edi pagusapan ung powerful.”
“si Alex parang may baby bump din”
“Sana ay busog lng si Alex. Hahahahha”
“Sanayin mo n ang sarili mo na kapag inaannounce means tinatago na. Wag magpalamon lalo sa social media”
“not a big deal, decision nila of mag announce or not, baka sa YT gawin may kita pa”
“Not shocking, kasi may asawa naman siya.”