Advertisers
Tila pinepersonal si Senadora Cynthia Villar ng ilang opisyal ng Las Pinas BF Resort Village matapos na maghain ang senadora ng reklamo sa korte ng Las Pinas dahil sa paglabag ng home owners association officials sa ordinansa ng Las Pinas Local Government na ipinasa noon taon 1995.
Nakasaad sa ordinansa ng Las Pinas LGUs ang pagkakaroon ng friendship sticker ng mga sasakyan ng residente ng Las Pinas na libreng makukuha sa city hall.
Layunin nito na makaiwas ang mga sasakyan ng mga taga Las Pinas sa matinding traffic sa Alabang Zapote road.
Nagreklamo si Villar dahil hindi na kinikilala ng Las Pinas BF Resort Village ang friendship sticker ng LGUs at hindi na pinadadaan sa alternative route sa halip nagbenta ang homeowners association ng sariling stickers sa halagang P2,500 na aniyay paglabag sa ordinansa ng Las Pinas LGUs.
Simula noon sinabi na Villar na sunod sunod na ang ginagawa sa kanya tulad ng sa viral video sa socila media ng hinarangan ng security guard ng gate ang kanilang Composting Facilities na ikinairita ng senadora.
Iginiit ni Villar na ang kalsada sa Composing Facilities ay pag aari ng gobyerno.
May pagkakataon din aniya na hindi pinadaan ang kanilang dump truck ng homeowners guards papunta sa composing facilities at tinanggal ang mga tarpaulin niya ng imbitahan sa fiesta sa naturang subdivision.
Sa ngayon aniya matapos niyang masita ang ginawang pagsasara ng gate papunta sa composing facilities bukas na ulit ito para madaanan ng mga nakatira din na malapit sa lugar.
Dagdag pa ng senadora mas nais niyang makilala na maingay at lumalaban na senadora basta nasa tama at sa kapakanan ng nakakarami ang kanyang ipinaglalaban.
Sa ngayon ay pinag aaralan na ng kanyang abugado kung magsasampa sila ng reklamo sa ginawang pagharang ng gate ng homeowners papunta sa kanilang Composting Facilities. (CESAR MORALES)