Advertisers

Advertisers

7 Biatkong, head security ng KTV bar kulong sa ‘laughing gas’

0 106

Advertisers

Inaresto ang pitong Vietnamese nationals ang inaresto ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) kasama ang isang Filipino na head security ng isang KTV bar sa Pasay City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Viet Huu Nguyen, Hie Van Bui, Tam Thanh Nguyen, Hue Thi Nguyen, Duty Van Nguyen, Canh Qliangm, Anh Hoang Pham; at head security ng Genz KTV bar na si Jose Fritz D.Regino.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng NBI-AOTCD na nag-aalok at nagbibigay ang bar sa kanilang kostumer ng N2O o mas kilala bilang ‘laughing gas’, isang chemical compound na inuri bilang volatile substance sa ilalim ng P.D. 1619.



Isinagawa ang ilang serye ng survelakince operation at nakumpirma na ang ansabing establisyimentk ay nag-aalok ng N2O sa kanilang kostumer kaya ikinasa ang entrapment operation.

Sa operasyon, nakumpiska ang 22 tangke na puno ng N2O at 12 pakete ng uninflated balloon na ginagamit bilang lalagyan ng N2O para sa pagkonsumo ng kanilang mga kostumer.



Nasamsam din kay Reginio ang isang (1) pistol, tatlong magazine, at dalawampu’t limang (25) piraso ng .45 caliber ammunition.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">