Advertisers

Advertisers

Hired killer vs Capiz mayor timbog

0 125

Advertisers

NANGANGAMBA sa kanyang seguridad si President Roxas Mayor Tanoy Escolin sa posibilidad na susunod ito sa sinapit ni Governor Roel Degamo kung hindi mapipigilan ang mga plano laban sa kanya.

Ayon sa alkalde, may mga grupong inupahan para maligpit siya, kungsaan may pabuyang inilagay sa kanyang ulo.

Sinabi niya na hindi bababa sa dalawang grupo ang planong tumarget.



Isang grupo umano ang humirit ng P2 milyon kung magtagumpay ang assassination. Pero ang “mastermind” na mula rin sa President Roxas ay tumawad daw ng P1.8 milyon, at ang motibo umano ay work-related.

Kinumpirma ni Escolin ang plano nang mahuli sa isang police operation sa Iloilo ang isang “gun-for-hire” laban sa kanyang buhay.



“Those are threats that are not sent through text messages or chats,” sambit pa ng alkalde.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">