Advertisers

Advertisers

LIBEL CASE SA MEDIA PRACTITIONERS SAGOT NA NG PAO!

0 170

Advertisers

Magandang achievement itong naisagawa ni newly appointed PRESIDENTIAL TASK FORCE ON MEDIA SECURITY (PTFoMS) EXECUTIVE DIRECTOR UNDERSECRETARY PAUL M. GUTIERREZ dahil nakuha nito ang pagsang-ayon ni PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA para maasistehan ang mga MEDIA PRACTITIONER na mahaharap sa mga LIBEL CASE ay libreng seserbisyuhan na para mapanatili ang malayang pamamahayag.

Ang naging kasunduan ay resulta sa naging pakikipagpulong ni USEC GUTIERREZ noong June 6, 2023 kina CHIEF ATTY. ACOSTA at PAO FORENSIC LABORATORY DIVISION DR. ERWIN ERFE na pangunahing napagtuunan ay ang SEGURIDAD ng mga mamamahayag sa ating bansa.., kasi po, ang pinakamasaklap sa yugto ng MEDIA PROFESSION ay humahantong pa sa walang habas na mga pamamaslang.

Si ATTY ACOSTA ay isa ring MEDIA PRACTITIONER dahil Isa itong respetadong COLUMNIST sa iba’t ibang pahayagan.., kaya nalalaman din nito ang mga hirap na dinaraanan ng mga JOURNALIST upang makakalap ng mga mahahalagang impormasyon at mga ebidensiya para sa mga artikulong kanilang isinusulat sa mga pahayagan o ibinabalita sa radyo at telebisyon.



Partikular na nahaharap sa mga peligro ay ang mga MEDIA PRACTITIONER sa mga probinsiya na karaniwang nararanasan ng mga ito ay ang nasasampahan ng LIBEL CASE.., na marami sa mga ito lalo ang mga nabibilang sa mga weekly o community newspaper gayundin sa mga maliliit na istasyon ng radyo ay nagpoproblema sa LAWYER’S SERVICE FEE.

Bunsod niyan.., sa pagpapairal ng MALAYANG PAMAMAHAYAG sa ating bansa ay aakuin na ng PAO ang pagseserbisyo sa MEDIA PRACTITIONERS upang maidepensa sa mga kakaharaping LIBEL CASE na libre at wala nang gagastusin pa ang mga MEDIA para sa magiging serbisyo ng PAO.



Ang kasunduan sa pagitan ng PTFoMS at PAO ay isasapinal sa pamamagitan ng lagdaan sa mga susunod na araw.., siyempre pa, kakailanganin ng mga magiging panuntunan hehehe kasi kailangang madetermina ang mga legit o tunay na mga kasapi ng 4th ESTATE.., na kung ang iba’t ibang GOVERNMENT AGENCIES ay may napapahalong ‘BUGOK’ ay mayroon ding ‘HAO SHAO’ sa hanay ng MEDIA na kahit walang sapat na ebidensiya o kaya ay gagawa ng mga artikulo para sirain ang kredibilidad at pagkatao ng sinuman na walang sapat na batayan.

Ika nga, ang lahat ng bagay ay inuuri o inuusisa kung nararapat bang bigyan ng LEGAL ASSISTANCE.., o baka naman, nang-aabuso na sa propesyon ang ilang mga kasamahan sa MEDIA INDUSTRY ay marapat lamang pandayin ng mga MEDIA OFFICERS o ng mga kinauukulan para sa patas na pagtrato sa larangan ng MALAYANG PAMAMAHAYAG.



Hinggil sa MEDIA SECURITY ay nagpahayag ng buong pagsuporta si CHIEF ATTY. ACOSTA sa programa ng PTFoMS upang maglunsad sa mga serye ng AWARENESS CAMPAIGN sa mga kasapi ng PRESS NATIONWIDE upang maipaalala ang mga dapat gawin habang ginagampanan ang propesyon bilang tagakalap ng mga balita; makatotohanang pagpapahayag; pagpapalawak sa responsableng pamamahayag.., at pagsunod sa itinatakda ng batas sa kung paano makaiiwas sa libel.

Mga ka-ARYA.., ang mga JOURNALIST kahit totoo ang mga ibinabalita ay nadedemanda pa rin lalo na kung balitang pagbubulgar sa katiwalian ng sinumang personalidad ay naturalmente na mag-aalburuto ang pinatutungkulang personalidad.., at dahil ang nagbulgar ay hindi kilala ay maghahain ng LIBEL CASE ang pinatungkulang personalidad para makaharap niya sa PROSECUTOR’S OFFICE ang nagbulgar na MEDIA.., sunod na eksena, kung hindi alerto ang kinasuhang MEDIA sa kaniyang paglabas sa tanggapan ng PROSECUTOR ay posibleng may mga nakatambang na sa paligid kaya may mga MEDIA na napapaslang paglabas ng JUSTICE HALL.

Ang unang nangasiwa ng PTFoMS ay si dating USEC JOEL EGCO na siyang pinalitan naman ngayon ni USEC. GUTIERREZ para ipagpatuloy naman nito ang mabigat na gampanin sa kung paano maitataguyod ang SEGURIDAD sa lahat ng mga bumubuo ng 4th ESTATE.., siyempre pa, hindi lamang ang seguridad ng.mga FILIPINO JOURNALIST kundi maging sa mga FOREIGN JOURNALIST ay kabilang din sa tutugaygayan ng tanggapan ni USEC. GUTIERREZ para sa SEGURIDAD sa lahat ng MEDIA PRACTITIONERS!

Ngayon ang INDEPENDENCE DAY o ARAW NG KALAYAAN ng ating bansa mula sa pananakop ng mga banyaga.., at sa achievement na ito ni USEC. GUTIERREZ ay makalalaya na rin sa LIBEL CASE EXPENSES ang mga JOURNALIST sa asiste ng tanggapan ni ATTY. ACOSTA.., kaya dapat lamang nating ipagbunyi ang pagpapairal sa MALAYANG PAMAMAHAYAG!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.