Advertisers

Advertisers

Problema sa baha, ilang dekada na ngunit wala pa ring solusyon

0 3

Advertisers

Tag-ulan na naman… matik na kaakibat nito ang pag-baha na ilan dekada na rin hindi nasosolusyunan ng gobyerno.

Mantakin mong isang araw lang na tuloy-tuloy ang ulan ay binabaha na ang iba’t ibang lugar sa PINAS.

Lalo na siguro kung Isang linggong singkad ang ulan eh baka nakasalbabida na mga residente.

Ilan Pangulo na ang umupo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay walang pagbabago ang situwasyon.

Paulit-ulit lang na para bang sirang plaka ang sinasabing dahilan ng kung ano-anong ahensiya ng gobyerno na kung iisipin natin ay nagpa-palusot na lang.

Sina-sabi ng MMDA na puspusan ang ginagawa nilang pag-lilinis ng mga basura, ilog at estero ngunit ganon pa rin.

Ginamitan na daw nila ng dredging at sari-saring heavy equipment ngunit binabaha pa rin.

Ayon naman sa DPWH ay hindi pa rin natatapos ang ilan programs nila partikular na ang pagkumpuni ng ilan mga kalsada, dike at iba pa na naiwanan umanong naka-tiwang ng lumipas na administrasyon.

Meron namang Punto ang sinasabi ng DPWH ngunit hindi pa rin angkop ang kaganapan.

Kung ating natatandaan ay nagpatong pa ng buwis ang mga lumipas na administrasyon para sa flood control project.

Isa na dito ang kaukulang buwis sa mga movie goers at manonod ng sine.

Nagkaroon din ng programa na tinaguriang Piso para sa ilog Pasig at kalikasan ngunit hindi pa rin ito umubra bagkus ay tila lumala pa ang pagbaha.

Ang huling-huli nga ay ang paglalaan ng bilyon-bilyong pisong pondo ng gobyerno para sa flood control project.

Sa kasamaang-palad ay binulsa naman ang nasabing pondo ng mga politikong wala yatang mga puso para lamang sa sariling nilang interes.

Malaki sana ang posibilidad na maibsan ng konti ang problema SA pag-baha sa laki ng budget na inilaan dito ngunit ang mga bulsa lang ng mga taong pinangasiwa nito ang bumaha sa perang he he he

‘Di alintala ng mga taong ito ang sinasapit ng libo-libo nilang kaba-bayan na naka-lubog sa baha sa buong mag-hapon at magdamag.

Di rin naisip at naramdaman ng mga ito ang mga sakir at karamdamang dumapo sa kanilang kapuwa Pilipino bunga ng pag-baha.

Malaki ang posibilidad na kung hindi binulsa at tinipid ang pondong para sa flood control project, malamang na Meron nakitang konti mang pagbabago sa problema.

Sana’t manawari anila ay maparusahan ang mga taong nasa likod ng pandarambong sa lalong madaling panahon.

Umaasa pa rin ang ating mga kababayan na tutupdin ni Pangulong BBM ang kanyang pangako na hindi niya palalagpasin ang sinuman taong sangkot dito.

Karapat-dapat naman talagang parusahan ng husto ang mga ito dahil nilagay nila sa pelugro ang buhay ng libo-libong MGA Pinoy para lang sa sariling nilang interes.