Advertisers
IGINIIT ni Senate committee on health chair, Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Health na aralin ang posibilidad na pagkakaroon ng saliva-based COVID-19 testing na sinasabing mas mura at ligtas para na rin sa pagbubukas ng turismo sa bansa.
“Have you conducted studies on saliva-based testing na ginagamit sa ibang bansa which may be cheaper, less invasive and safer for our health care workers?” ang tanong ni Go sa DOH sa pagdinig ng kanyang komite.
“Baka makatulong itong saliva-based testing to restart our tourism industry which was severely affected by this pandemic,” idinagdag niya.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang saliva testing ay patuloy pang pinag-aaralan ng Health Technology Assessment Council, isang independent body na nabuo sa ilalim ng Universal Health Care Act.
“I have been pushing for its outcome, ano ba talaga ang magiging recommendation ng HTAC to the DOH and PhilHealth,” ani Duque.
Ang pag-aaral ay sinimulan nitong nakaraang dalawa o tatlong linggo na at kinakailangan pa ng sapat na panahon bago ang pinal na rekomendasyon at approval ng DOH at PhilHealth.
Ani Duque, ang saliva-based testing ay nangangailangan ng masusing pag-aaral para matiyak ang accuracy nito.
“Mag-antay-antay lang po tayo dahil kinakailangan po rito ang pag-aaral at pagsusuri para makasiguro po tayo na ang accuracy ng testing is of priority,” ani Duque.
“Kasi we cannot sacrifice, hindi po natin pwedeng madaliin po ito baka naman masakripisyo natin ang accuracy and sensitivity and specificity of the test modality,” dagdag niya.
Sa nasabi ring pagdinig, tinanong niya si Duque kung may may desisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para payagan ang Christmas parties, reunions aty iba pang mass gatherings sa darating na Kapaskuhan.
Tugon ni Duque, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng General Community Quarantine, kung saan pinapayagan ang ilang aktibidad at mall sales para maibangon ang ekonomiya. (PFT Team)