Advertisers

Advertisers

3 arestado sa paggawa, pagbenta ng LTO license card

0 106

Advertisers

Tatlong indibidwal ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng LTO license card at iba pang dokumento sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jo-An Vicente, 42; Kino Hero Lopez, 30; at Renz Makuha Garcia, 20 anyos, at pawang mga taga Tondo, Maynila.

Ayon sa MPD, ikinasa ang entrapment operation sa loob ng bahay sa 2111 Vision St., Brgy. 351, Sta. Cruz, Maynila Miyerkoles ng gabi.



Kinumpiska naman ng mga operatiba ang ilang mga kagamitan na ginagamit ng mga suspek sa paggawa ng mga pekeng card at dokumento tulad ng mga computer monitor, printer, laminating film,resibo at iba pa. Ilang mga drivers license din ang narekober sa lugar .

Bago maaresto ang mga suspek, lumutang ang isang Regular Confidential Informant (RCI) sa tanggapan ng District Special Operations Unit ng MPD at isinumbong ang isang alyas Jo-An na umano’y gumagawa t nagbebenta ng LTO license card at pekeng dokumento.



Agad itong binirepika ng mga tauhan ng DSOU at nang makumpirma ay ikinasa na entrapment operation.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">