Advertisers

Advertisers

Mass lay off ng GRab Philippines, mariing kinondena ng Manila solon

0 147

Advertisers

Nanganganib na maapektuhan at mawalan ng trabaho ang maraming mangaggawa ng Grab Philippines dahil sa gagawing mass layoff sa kumpanya.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Grab na isang Multinational technology company na mariin namang kinondena ni Manila 2nd district Congressman at Metro Manila Development Committee Chairman Rolando Valeriano.

Sinabi ng kongresista na ang hakbang ng Grab ay mistulang isang “wanton business decisions.”

Aniya, nagpahayag pa ang kumpanya sa Kongreso at sumulat sa Department of Transportation na nais nitong palawakin pa ang kanilang commitment sa bansa upang magbigay ng trabaho sa maraming Pinoy pero makalipas ng ilang buwan ay saka naman magpaaphayag ng mass lay off.

“The Philippine Competition Commission (PCC) had penalized Grab for a couple of times already. Our Congressional Committee is already looking into other possible errors Grab may have committed in price-surging as sole TNVS player, as well as in acquiring Move It, a motorcycle taxi fleet,” dagdag ni Valeriano.

Sinabi ni Valeriano na nagsasagawa na ng kanilang komite ng pagbusisu sa iba pang paglabag na naisagawa ng Grab tulad ng pagkakaroon ng creative charging sa kanilang digital platform na humihimok sa host ng ibang negosyo tulad ng “banking” gamit ang e-wallet, money transfer at payment sa GrabPay.

“What is frustrating to us in Congress is the fact that Grab, in many ways snubbed our efforts to clarify details or the reasons behind some of its actions under the cloak of it being a US publicly listed company. Just imagine, in our past hearings, Grab representatives were reluctant to attend and when they finally sent their legal team, they evaded the the lines of questioning, saying that the lawyers were not privy to Grab operations.”sabi pa ni Valeriano.

Nag-o-operate ang Grab hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Singapore, Malaysia, Cambodia, Indonesia, Myanmar, Thailand at Vietnam.(Jocelyn Domenden)