Advertisers
NASA dalawang milyong ektarya ang reforestation target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Secretary Maria Antonina Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang press briefing sa Malakanyang.
Gayunman, sinabi ni Loyzaga na prayoridad nila ang isang milyong ektarya na naisalang na aniya sa mapping.
Ayon kay Loyzaga, unahin dito ang mga lugar na hindi nakapasa sa National Greening Program.
Dahil hindi naman aniya ganoon kalaki ang badyet ng DENR, nilinaw ng kalihim na hindi maisasakatuparan ang programa kung wala itong magiging katuwang sa implementasyon nito tulad ng pribadong sektor. (Gilbert Perdez)