Advertisers

Advertisers

Basahin, baka kasama ang kasal nyo sa peke… 180 pekeng civil wedding sa Iloilo nabuking

0 221

Advertisers

IPINAPAUBAYA na ng Civil Service Commission kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagsibak sa tungkulin sa mga empleyado ng Iloilo City Hall na utak sa pagsasagawa ng mga pekeng civil wedding.
Napag-alaman na umaabot sa 180 ang nabulgar na pekeng kasal kungsaan ang itinuturong utak ay si Juncae Manikan, pinuno ng Local Civil Registry, at nagsisilbi namang bagman ang isang Joe Marie Esteral.
Ayon kay Nelson Sarmiento, regional director ng Civil Service Commission Region 6, may kapangyarihan ang alkalde sa pagsibak sa tungkulin ng empleyado na naugnay sa katiwalian.
Sinibak si Esteral ng alkalde dahil sa kasong Gross Insubordination, Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty.