Advertisers
INILABAS na ng Southern Police District (SPD) nitong Lunes, Hulyo 10, ang larawan ng isa sa dalawang salarin na umatake sa isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Pasay City.
Sinabi ni SPD chief, Brigadier General Kirby Kraft, na magbibigay ng P200,000 reward sa kakanta sa impormasyon sa suspek.
Ani Kraft, tinitingnang “work-related” ang motibo ng pag-atake.
“Base sa imbestigasyon na ginawa namin, wala kaming nakikitang iba pang motibo kundi work-related talaga,” pahayag ni Kraft.
Tinambangan si Atty. Maria Rocelle Melizza, hepe ng Right of Ways Acquisition and Legal Division ng DPWH-National Capital Region (NCR), ng gunmen na nakasakay sa motorsiklo sa Fortuna Street, Barangay 21 noong Hunyo 5, 2023 .
Nakunan sa CCTV ang pamamaril.(Mark Obleada)