Advertisers
BINUWAG na ang Special Investigation Task Group (SITG) 990.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr.,
kasunod narin ng pagretiro sa serbisyo ng hepe ng SITG 990 na si Major General Eliseo Cruz.
Ayon kay Acorda, sa halip na task force ng PNP, magkasama nang nag-iimbestiga ang PNP at National Police Commission hinggil sa pinagmulan ng 990 kilos ng shabu na nasamsam sa isang lending ng pulis sa Tondo, Manila noong Oktubre 2022.
Paliwanag ni Acorda, patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon sa pinakamalaking shabu raid sa kasaysayan ng bansa.
Sa ngayon, 69 kaso na ang kanilang naisampa sa mga personalidad na may kinalaman sa 990 kilos na pagmamay-ari ng sinibak na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, noo’y nakatakaga sa Drug Enforcement Unit ng PNP.