Advertisers

Advertisers

Baston ni Gaston!

0 333

Advertisers

SA mahigit na 70 na National Sports Associations (NSAs) na kinikilala ng Philippine Sports Commission ay bale 19 ang naatas kay Fritz Gaston na i-monitor maigi bilang isa sa apat na commissioner ni Chairman Dickie Bachmann.

Maayos na pangangalaga sa mga sumusunod nga ang inaatupag ng dating champion coach at player.

1. SAMAHANG BASKETBALL NG PILIPINAS INC. (BASKETBALL) 2. ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES IN THE PHILIPPINES, INC (BOXING) 3. EQUESTRIAN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC. (EQUESTRIAN)



4. PHILIPPINE HANDBALL FEDERATION, INC. (HANDBALL) 5. SAMAHANG KICKBOXING NG PILIPINAS, INC.

(KICKBOXING) 6. KURASH SPORTS FEDERATION OF THE PHILIPPINES, INC (KURASH)



7. PHILIPPINE ROWING ASSOCIATION, INC. (ROWING) 8. PILIPINAS SAMBO FEDERATION (PSFI), INC. (SAMBO)

9. PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIATION, INC. (SHOOTING) 10. PHILIPPINE SKI AND SNOWBOARDING FEDERATION (SKI AND SNOWBOARD) 11. UNITED PHILIPPINES SURFING ASSOCIATION 2016, INC. (SURFING)



12. PHILIPPINE SWIMMING, INC (SWIMMING) 13. WRESTLING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC (WRESTLING)

14. PHILIPPINE CRIKET ASSOCIATION, INC. (CRICKET) 15. PHILIPPINE NATIONAL FEDERATION OF POLO PLAYERS, INC. (POLO) 16. NATIONAL MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (MOTORCYCLE)

17. PHILIPPINE FINSWIMMING FEDERATION, INC (FINSWIMMING) 18. AUTOMOBILE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC (AUTOMOBILE) at 19. MANDIRIGMA BODYBUILDING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC.

(BODY BUILDING)

May mga popuar, may mga kontrobersyal at mayroon ding mga hindi gaanong kilalang sport.

Ayon nga kaya Pepeng Kirat ay may Sambo palang laro. Ngayon alam na ni Pepe na martial art ito na nagmula sa Soviet Union.

Isang uri rin ng amateur wrestling sabi ng Google na nais na matutunan ni Kirat.

“Pero pantay-pantay ang pag-aaruga natin sa kanila sikat man o hindi,” kwento sa atin ng opisyal na may MBA mula sa Asian Institute of Management (AIM). Paaral siya ng PBA mula sa kanilang Players Trust Fund sa post-graduate na ito.

Malaking tulong ang kurso sa kanyang role ngayon sa PSC at dati sa Games and Amusements Board (GAB) kung saan naging bahagi rin ang nagdribol noon para sa Utex Wranglers.

“May criteria kasi kaming sinusunod o merit system na dapat maka-comply sila,” dagdag ng ama ni Ponggay na volleyball star.

Hindi naman niya talaga kailangan ang baston para sa tungkulin na ito dahil mahusay at matinong taosi Matthew “Fritz” Gaston. Pero simbolo ang wooden stick ng disiplina na kailangan ng lahat ng panig upang maging nasa tamang landas.

***

Tiinupad naman ni Coach Dylan Murphy ng Orlando sa NBA Summer League ang pangakong palaruin si Kai Sotto sa liga.

Sa ikaapat nilang game ay binigyan niya ang 7-footer na Pinoy ng 13 na minuto sa talo nila sa Portland Trailblazers sa Thomasand Mack Center sa Las Vegas.

Sa debut ng anak ni Ervin ay nagtala siya ng 6 points sa 3/7 FG, 4 rebounds, 3 blocks at 1 assist.

Napuri pa siya ni Coach Murphy sa ipinamalas sa limitadong oras Short but productive. Not bad para sa first game na nag aadjust eka nga.

Sa huling laban ng Magic ay malamang mas mahabang playing time dahil pinapahinga na mga draftee nila.

Huwag mo sayangin ang pambihirang pagkakataon, Kai. Nasa likod mo ang milyong-milyong mga kababayan.