Advertisers

Advertisers

Buntis, 1 pa patay sa pamamaril sa Tondo

0 188

Advertisers

NASAWI ang isang buntis nang barilin Miyerkoles ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Dyan Ereca Prado, 24 anyos, dalawang buwan buntis na nagtamo ng tama ng bala sa noo.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief, Brig. General Andre Dizon, tinitignang anggulo ang away o kaya’y gantihan, sinasabing may kinalaman sa ilegal na droga.



Sa ulat, naganap ang unang kaso 1:30 ng madaling araw sa Barangay 105, Tondo.

Bago ang pamamaril, nakitang naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kaibigan matapos kumain sa labas nang barilin ng lalaking naka-helmet na hindi namukhaan.



Nanawagan ang ama ng biktima na si Mang Joselito ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak nagdadalantao ito.

Ayon sa pulisya, may apat na person of interest sa pamamaril na kasalukuyan pa nilang tinutugis.



Ang ikalawang kaso ng pamamaril ay nangyari sa Building 16, Permanent Housing sa Brgy. 128, Tondo, 4:30 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Juanito Palisoc o alyas “Junior”, 24, na kaagad namatay.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Jocelyn Domenden)